<wala>
Pangalan: Winston Garcia
Posisyon: Presidente at General Manager ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (Government Service Insurance System/GSIS)
Tuta ni Pangulong Arroyo
Nagmistulang diktator sa nasabing tanggapan --- inalis ang karapatan ng mga manggagawang ipahayag ang kanilang mga hinaing.
Naging daan ni GMA upang magamit ang pondo ng GSIS sa pansariling kapakanan (lalung lalo na noong Eleksyon 2004)
Kasalukuyang binibigyan ng mabigat na pasanin ang mga retirado, pensyonado at iba pang mga miyembro. Ang mga iika-ikang matatanda'y pinipilit pang papuntahin sa kanilang tanggapan para sa E-CARD na hindi naman din mapagkunan ng pera dahil sa ang UNIONBANK, ang bankong sumusoporta rito ay palaging "down".
Nitong nakaraang dalawang taon, naging gawain niyang magtanggal at nagsuspinde ng kung sinu-sinong empleyado ng GSIS nang walang sapat na dahilan. Ipinapasok naman nya ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak. ---kabilang dito ang aking sariling ina.
Kahit na nakabalik na ang aking ina sa trabaho, na-demote ito sa kabila ng kanyang mga abilidad at pinag-aralan.



Indiyo!


